Thursday, January 9, 2014

PROBLEMA NG KALIKASAN, PROBLEMA NG LAHAT!

        




Problema ng Kalikasan, Problema nating lahat!

ni: Mike Angelo (DarkShifter) Domondon












                    Ang kalikasan ang isa sa mga magandang inihandog ng ating Amang Maykapal. Ibinibigay nito ang lahat ng ating pangangailangan mula sa mga Natural Resources o sa ating likas na yaman tulad ng mga kagubatan kung saan makukuha ang mga punungkahoy sa paggawa ng kabahayan, mga halaman at puno kung saan gumagawa ng pagkain at hangin para sa atin.Mga yamang tubig tulad ng mga dagat,lawa at iba pa kung saan makakakuha ng pagkaing-dagat tulad ng isda at hipon. At ang nilalanghap nating hangin kung saan tinutulungan tayong huminga para mabuhay.Halos sa tingin natin parang walang katapusan ang ating likas na yaman sa pagbibigay na mga pangangailangan natin.Pero huwag nating abusuhin ang ating kalikasan.
                              Para sa akin at sa atin sobrang napapakinabangan natin ang paggamit ng ating likas na yaman.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyan,mukha atang napapasobra ang ating ginagawang pagkonsyumo sa ating kalikasan at tila para bang hindi na natin napapansin ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng ating likas na yaman. Hindi natin alam ang resulta kapag inabuso natin ang paggamit ng mga likas na yaman at hindi na pinpalitan.Mahirap naman isipin kung mauubos ang ating kalikasan dahil lang sa atin, sa ating mga taong walang pakialam sa kalikasan at ang alam lang ay gamitin ang yaman nito ng walang kapalit!  Mapapansin nyo ang imahe sa ibaba.......
    
               
                                       Ito ay isa sa mga halimbawa ng pag-aabuso sa ating kalikasan. Sirang mga puno, mga maduduming tubig, maruruming hangin. Iyan ang mga ginawa natin sa likas na yaman ng ating kalikasan.Hindi rin natin alam na malala ang epekto ng pagkasira ng kalikasan sa atin. Una, mawawalan tayo ng pagkain, tubig kung saan pwede tayong mamatay sa sobrang gutom o kaya mamatay dahil yung kinain mo naman ay hindi malinis. Pangalawa, magiging madumi ang ating hagning nilalanghap na pwedeng magresulta sa paghirap ng ating paghinga at pagkamatay. At ang huli, ang nagppoprotekta sa atin laban sa araw upang hindi tayo mamatay dahil sa sobrang init.
                                        
                                          Hanggang ngayon, ito pa ang isa sa mga dahilan ng ating gobyerno at ng ating pangulo hindi lang sa atin kundi sa buong mundo. Ngunit ikinatutuwa nating sabihin na marami na sa atin ngayon na ang namulat na ang kanilang isipan at tumaliwas na sa dating kinagisnan. Ngayon ay gumagawa na sila ng sari-sarili nilang Awareness Campaign upang mapangalagaan ang ating kalikasan at maibalk ang dating imahe nito.Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at puno, paglilinis ng mga ilog, dagat at iba pang yamang tubig, pagbabawas na paggamit ng usok ay nakakatulong sila na muling mapabuti ang ating kalikasan.Lahat tayo ay pwedeng tumulong kahit sa pamamagitan ng paggawa ng mga blogs tulad ng ginagawa ko tungkol sa muling rehabliltasyon ng ating  kalikasan.
                             
                                                          " All things in the world are made in cycles, gave back                                                                              what have you taken to fulfill second cycle" 
         
                                                                                                               - Mike D.

1 comment: